Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangmatagalang Sakit sa Baga: Pag-iwas sa mga Impeksiyon sa Baga

May maraming uri ng pangmatagalang sakit sa baga. Maaaring mayroon ka ng isa sa mga ito:

  • Chronic obstructive lung disease (COPD)

  • Pangmatagalang bronchitis

  • Emphysema

  • Pulmonary fibrosis

  • Sarcoidosis

Kapag mayroon kang pangmatagalang sakit sa baga, mahalaga na pangalagaan ang iyong sarili mula sa mga impeksiyon sa palahingahan. Kabilang sa mga ito ang sipon, trangkaso, at impeksiyon sa baga tulad ng pulmonya. Maaaring maging sanhi ang mga impeksiyong tulad nito na lumalala ang pangmatagalang sakit sa baga. Mahirap na ganap na matakasan ang pagkakasakit. Ngunit may mga bagay kang magagawa upang pababain ang iyong panganib sa mga impeksiyon.

Naghahanda ang tagapangalaga ng kalusugan na mag-iniksyon sa itaas na braso ng babae.

Mga tip para makaiwas sa sakit

Maaari mong pababain ang iyong panganib sa mga impeksiyon sa palahingahan gamit ang mga hakbang na ito:

  • Panatilihing malinis ang iyong mga kamay. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, kasama ang bago at pagkatapos kumain, pagkatapos gumamit ng banyo, at pagkatapos umubo, bumahin, o suminga. Kung hindi ka makapaghugas, gumamit ng hand sanitizer na nagtataglay ng hindi bababa sa 60% alkohol. Gamitin ito pagkatapos humawak sa mga doorknob, hawakan, keypad, at anumang bagay na hinawakan ng ibang tao. Pagkatapos ay hugasan ang iyong mga kamay sa sandaling magagawa mo na.

  • Maghugas nang mabuti. Kapag naghuhugas ka ng iyong mga kamay, gumamit ng sabon at malinis at dumadaloy na tubig. Kuskusing mabuti ang iyong mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo. Tiyaking hugasan ang likod ng iyong mga kamay, sa pagitan ng iyong mga daliri, at sa ilalim ng iyong mga kuko. Banlawang mabuti ang mga ito. Tuyuin ang iyong mga kamay sa malilinis na tuwalya o hayaang matuyo ang mga ito sa hangin.

  • Huwag hawakan ang iyong mukha. Kung hindi malinis ang iyong mga kamay, ilayo ang mga ito sa iyong ilong at bibig. Maaaring pumunta ang mga mikrobyo sa iyong mga kamay sa iyong sistema ng paghinga sa ganitong paraan.

  • Kumuha ng mga inirerekomendang bakuna. Upang makatulong na makaiwas sa trangkaso, magpabakuna para sa trangkaso bawat taon. Maaari mo itong makuha sa opisina ng iyong tagapangalaga ng kalusugan, sa isang botika, parmasya, o sa trabaho. Magpabakuna para sa trangkaso sa sandaling maging available ang mga bakuna sa iyong lugar. Kadalasan ito sa bandang Setyembre bawat taon. Maaari ding makatulong ang bakuna para sa pulmonya upang maiwasan ang pneumococcal pneumonia. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung anong bakuna ang kailangan mo, bilang ng mga dosis, at kung kailan ka dapat magkaroon ng mga ito. Maaaring makatulong ang bakuna laban sa COVID-19 upang makaiwas sa malubhang sakit dulot ng COVID-19.

  • Lumayo sa mga taong maysakit. Subukang lumayo mula sa mga taong may sipon o trangkaso. Lumayo sa mga lugar na maraming tao sa panahon ng sipon at trangkaso. Kabilang sa mga ito ang mga shopping center, sinehan, at mga kaganapang panlipunan.

  • Ihinto ang paninigarilyo. Kung naninigarilyo ka, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa paghingi ng tulong sa paghinto sa paninigarilyo. Maaaring palalain ng paninigarilyo ang iyong sakit sa baga. At pinatataas nito ang iyong panganib sa mga impeksiyon. Lumayo din mula sa mga usok ng sigarilyo ng ibang tao. Tinatawag itong secondhand smoke. Mapanganib din ito at pinatataas ang iyong tsansa sa mga impeksiyon.

  • Magsuot ng mask. Maaaring makatulong ang pagsusuot ng mask sa loob upang makaiwas sa mga sakit sa palahingahan. Isaalang-alang ang pagsusuot ng mask sa panahon ng sipon at trangkaso kung ikaw ay nasa matataong lugar.

Online Medical Reviewer: Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer: Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Date Last Reviewed: 7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames
Disclaimer