Operasyon sa Paa: Degenerative Joint Disease

Ang degenerative joint disease (arthritis) ay madalas na nangyayari sa kasukasuan ng malaking daliri sa paa. Ang pagtubo ng buto ay maaaring maging sanhi ng pananakit at paninigas sa kasukasuan. Kapag hindi ito nalunasan, maaaring durugin ng arthritis ang kartilago at sirain ang kasukasuan. Ang mga opsyon sa paggamot ay depende sa kung gaano ang pinsala ng iyong kasukasuan.

Cheilectomy
Ito ay ginagawa kapag ang kasukasuan na may arthritis at kartilago ay maaari pang iligtas. Ang tumubong buto na dulot ng arthritis ay pinuputol. Kakailanganin mong magsuot ng surgical na sapatos ng ilang linggo. Kapag gumaling na ang paa, ang paggalaw ng kasukasuan ay muling babalik.

Fusion
Sa fusion, ang kartilago at ilang buto sa parehong panig ng kasukasuan ay tinatanggal. Pagkatapos, ang malaking daliri sa paa at metatarsals na mga buto ay pinagsasama ng staples o turnilyo. Ang iyong paa ay maaaring ilagay sa isang cast. Habang ikaw ay nagpapagaling, ikaw ay papakiusapang wag maglalagay ng timbang sa iyong paa. Maaari mo ring kailanganin ng saklay ng ilang linggo. Dahil tinanggal ang kasukasuan, ang iyong daliri ay hindi masyadong mababaluktot.

Arthroplasty
Sa operasyon, ang tumubong buto na dulot ng arthritis ay pinuputol, at ang bahagi ng kasukasuan ay tinatanggal. Isang pin ang maaaring gamitin upang ituwid ang mga buto at pigilan sila sa pagdidikit. Ang pin ay tatanggalin pagkatapos ng ilang linggo. Sa ibang mga pagkakataon, ang buong kasukasuan ay maaaring palitan ng implant. Maaaring kailanganin mong magsuot ng splint o surgical na sapatos ng ilang linggo. Kapag gumaling, ang mga buto ay magiging konektado ng scar tissue.
Online Medical Reviewer:
Banerjee, Rahul, MD
Online Medical Reviewer:
Bass, Pat F. III, MD, MPH
Date Last Reviewed:
5/1/2018
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.