Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagsusuri ng Suso sa Klinika

Inirerekomenda ng maraming organisasyong pangkalusugan ang taunang pagsusuri ng suso sa klinika. Isinasagawa ng isang gynecologist ang pagsusuring ito, tagapangalaga ng kalusugan ng pamilya, nurse practitioner, nurse midwife, o nars na may espesyal na pagsasanay. Tumutulong ang mga taunang pagsusuri ng suso upang siguraduhing makita nang maaga ang mga kondisyon ng suso.

Ang tungkulin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

Alam ng propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ang mga pagsusuri at follow-up na pangangalagang kinakailangan kung may makitang problema. Maganda ring pagkakataon ang iyong pagsusuri sa klinika para magtanong tungkol sa mga pansariling pagsusuri ng suso. Malalaman mo kung sinusuri mo ang iyong mga suso nang pinakamahusay. O maaari mong itanong kung paano nakaaapekto ang pagbubuntis, mga breast implant, o operasyon sa pagpapaliit ng suso sa paraan kung paano mo susuriin ang iyong mga suso.

Health care provider na nagpapaliwanag ng sariling pagsusuri ng suso.

Mga pagsusuring pang-diagnose

Kung nagpapakita ang isang klinikal na eksaminasyon ng pagbabago sa suso, maaaring magkaroon ka pa ng ibang pagsusuri para malaman ang higit pa. Maaaring kabilang sa mga pagsusuring ito ang:

  • Mammography. Mababang dosis ng X-ray ng tisyu ng iyong suso.

  • Ultrasound. Isang imaging test na ginagamitan ng mga sound wave para makalikha ng mga larawan ng iyong suso.

  • Biopsy. Inaalis ang kaunting tisyu ng suso sa pamamagitan ng karayom o paghiwa (pagtistis). Susuriin ang tisyu sa pamamagitan ng microscope.

Mga alituntunin para sa mga eksaminasyon ng suso sa klinika

Inirerekomenda ng American College of Obstetricians at Gynecologists (ACOG) na simula sa edad na 29, dapat kang magkaroon ng eksaminasyon ng suso sa klinika tuwing 1 hanggang 3 taon. Pagkatapos ng edad na 40, magkaroon ng eksaminasyon ng suso sa klinika bawat taon. Kung nasa mas mataas na panganib ka para sa kanser sa suso, maaaring kailanganin mo ng mas madalas na eksaminasyon. Maaaring kabilang sa mga dahilan ng panganib para sa kanser sa suso ang:

  • Pagiging higit sa 50 taong gulang o postmenopausal

  • Mayroong kasaysayan ang pamilya ng kanser sa suso

  • Pagkakaroon ng BRCA1 o BRCA2 gene mutation o iba pang tiyak na gene mutation

  • Pagkakaroon ng mas maraming yugto ng regla dahil sa maagang pagsisimula ng regla (bago ang edad na 12) o pagkakaroon ng nabalam na menopause (pagkatapos ng edad na 55)

  • Hindi nagbuntis

  • Unang pagbubuntis pagkatapos ng edad na 30

  • Katabaan

  • Pagkakaroon ng kasaysayan ng paggamot gamit ang radiation sa bahagi ng iyong dibdib

  • Pagkalantad sa DES sa panahon ng pagbubuntis ng iyong ina

  • Pagiging hindi aktibo

  • Labis na pag-inom ng alak

  • Pagkakaroon ng siksik na tisyu ng suso

  • Paggamit ng hormone therapy pagkatapos ng menopause

May magkakaibang rekomendasyon ang iba pang organisasyong pangkalusugan. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung ano ang pinakamainam para sa iyo.

Online Medical Reviewer: Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Irina Burd MD PhD
Date Last Reviewed: 11/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames
Disclaimer