Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Benign Prostatic Hyperplasia

Ang prostate ay isang maliit na glandula sa mga lalaki na gumagawa ng likido na sumasama sa semen. Habang tumatanda ka, lumalaki ang prostate. Kung magiging napakalaki nito, maaari itong magsanhi ng mga problema sa pag-ihi. Tinatawag ang kondisyong ito na benign prostatic hyperplasia (BPH). Hindi kanser ang BPH.

Cross section ng lumaking prostate gland.

Mga Sintomas ng BPH

Karaniwan ang BPH sa mga lalaking mas matanda sa edad na 60. Iyon ay dahil mas lumalaki ang prostate sa panahon ng buhay ng lalaki. Habang lumalaki ito, dumidiin ito sa urethra. Ang urethra ay isang tubo na nagdadala ng ihi palabas ng iyong katawan mula sa iyong pantog sa pamamagitan ng iyong ari. Maaari ding manghina ang iyong pantog habang tumatanda ka. Maaaring hindi ito ganap na maubusan ng laman pagkatapos na umihi.

Ang mga lalaking may BPH ay maaaring mayroon ng mga sintomas na ito:

  • Ang pakiramdam na madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi

  • Pagtagas o papatak-patak na ihi

  • Mahinang pag-agos ng ihi

  • Hindi makaihi, o nahihirapang simulan ang pag-ihi

Pag-diagnos sa BPH

Maaaring masaktan ng BPH ang iyong pantog at mga bato. Maaari din itong mauwi sa bato sa pantog, dugo sa ihi, at impeksiyon ng daanan ng ihi. Kung iniisip mo na maaaring mayroon kang BPH, makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan. Maaaring maiwasan ng maagang paggamot ang mga problema.

Maaaring ma-diagnose ng ilang pagsusuri ang BPH. Kabilang sa mga ito ang:

  • Digital na pagsusuri sa puwit. Sa panahon ng pamamaraang ito, ipapasok ng iyong tagapangalaga ang may guwantes at nilangisan (pinadulas) na daliri sa iyong tumbong upang tingnan ang laki ng iyong prostate.

  • Mga imaging test. Maaaring makahanap ang mga X-ray at iba pang imaging test ng mga problema sa iyong kidney o pantog.

  • Cystoscopy. Gumagamit ng nababanat na tubo na may kamera (tinatawag na scope) ang pagsusuring ito. Ipinapasok ang scope sa urethra upang tingnan ang loob ng iyong daanan ng ihi.

  • Pag-aaral sa daloy ng ihi. Gumagamit ng espesyal na device ang pagsusuring ito upang makita kung gaano kabilis lumabas ang ihi sa iyong katawan.

  • Ultrasound ng prostate. Gumagamit ng sound waves ang pagsusuring ito upang makita ang laki at loob ng prostate gland.

Paggamot sa BPH

Kung mayroon kang banayad na mga sintomas, maaaring hindi mo kailangan ang paggamot. Maaari mo nang makontrol ang iyong BPH sa pamamagitan ng mga pagbabago sa istilo ng buhay. Nakakaramdam nang mas mabuti ang ilang lalaki kung nililimitahan o wala silang alak at mga inumin na may caffein tulad ng kape. Maaari ding makatulong ang hindi pag-inom ng maraming likido sa gabi. Maaari ding maibsan ang mga sintomas sa pagdaragdag ng iyong pisikal na aktibidad.

Maaari ding makatulong ang mga Kegel exercise. Pinalalakas ng mga ito ang kalamnan sa pelvic upang maiwasan ang pagtagas ng ihi. Igalaw ang iyong kalamnan sa pelvic na para bang pipigilin o papabagalin mo ang daloy ng ihi. Pigilan nang 10 segundo. Ulitin kahit 5 beses lamang. Gawin ang ehersisyong ito 3 hanggang 5 beses kada araw.

Maaaring palalain ang mga sintomas ng BPH ng ilang gamot. Kabilang dito ang mga gamot para sa paninikip, mga allergy, at depresyon. Maaari ding palalain ang mga sintomas ng BPH ng mga gamot na nagpaparami ng daloy ng ihi (mga diuretic o water pill). Kung umiinom ka ng alinman sa mga ito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga. Maaaring kailangan mong uminom ng ibang gamot o palitan ang dami ng iniinom.

Madalas lumalala ang mga sintomas ng BPH habang lumalaki ang prostate. Kaya sa ilang pagkakataon maaaring kailangan mo ng paggamot. Maaaring magreseta ang iyong tagapangalaga ng gamot upang paliitin ang prostate o pigilan ang paglaki nito. Mapalalawak ng ibang paggamot ang urethra upang hayaang dumaloy ang ihi nang mas madali. Mayroon ding ilang paraan na hindi gaanong nanghihimasok upang alisin ang tisyu ng prostate.

Kung matinddi ang BPH mo, maaaring payuhan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng opersayon. Inaaalis ng operasyon ang mga lumaking bahagi ng prostate gland. Matutukoy mo at ng iyong tagapangalaga ang pinakamahusay na opsyon para sa iyo batay sa iyong edad, pangkalahatang kalusugan, at iba pang dahilan.

BPH at kanser sa prostate

May ilang magkaparehong sintomas ang BPH at kanser sa prostate at maaaring mangyari nang magkasabay. Kaya mahalaga na makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa iyong mga sintomas. Walang kanser ang mga lalaking may BPH. Ngunit maaari silang magkaroon ng mas mataas na antas ng prostate-specific antigen (PSA). Maaari ding tanda ng kanser sa prostate ang mas mataas na antas ng PSA. Makakatulong ang ilang pagsusuri na sabihin ang BPH mula sa kanser sa prostate. Kabilang dito ang ultrasound ng prostate at biopsy.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames
Disclaimer